Saturday, November 20, 2010

Filipino - Ang Batas Rizal at ang Pagkapili ng Bayani sa Lahi


Ang paksang ito ay ang parang "introduction" natin sa ating mga paksa sa hinaharap: ang nobelang Noli Me Tangere. Sa lesson na ito, ating idi"discuss" ang dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang Noli at Fili, at kung paano naging pambansang bayani si Jose Rizal.

Batas Rizal
- Sinasabi sa batas na ito ang pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pambayan at pansarili (public and private schools) ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga sinulat ni Rizal (life, works and writings), lalo na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Tinatalakay ang pagpapahintulot, pagpapalimbag at pamamahagi ng mga ito. 


Kahalagahan ng pagturo ng buhay at sinulat ni Rizal- Tinuturo ng mga gawa ni Rizal ang Nasyonalismo, o ang pagmamahal sa bayan. Ang konsepto ng Nasyonalismo ay naitatanim agad sa mga tao sa murang edad gamit-gamit ang modyul na ito.

Paano naging pambansang bayani si Rizal?
- Merong 2 na tao ang pumili ng pambansang bayani ng Pilipinas:
    > William Howard Taft - pangulo ng unang komisyon ng Estados Unidos ay nagpasiyang pumili ng isang bayani para sa PIlipinas
    > Dr. H. Otley Beyer - nag-"propose" siya ng apat na pagbabasehan ng pagpili ng pambansang bayani ng Pilipinas:
          1) Isang Pilipino
          2) Yumao na (namatay na)
          3) May matayog na pagmamahal sa bayan (nagpapakita ng nasyonalismo)
          4) Mahinahong Damdamin (calm disposition)
    > Mayroong limang taong pinagpilian:
          1) M.H. Del Pilar
          2) Antonio Luna
          3) Graciano Lopez-Jaina
          4) Emilio Jacinto
          5) Jose Rizal
    > Ang unang pinili ng mga namimili ay si M.H. Del Pilar, ngunit pagkatapos ng malalim na pag-iisip ay gumawa pa sila ng isang criteria:
          5) Dapat ay madula ang pagkamatay
    > Dahil sa adisyonal na criteriang ito, pinili nila si Jose Rizal.


Dahilan ng pagkapili kay Rizal
- Siya ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik sa mga Kastila
- Siya ay isang huwaran ng kapayapaan
- Ang mga Pilipino kasi ay Sentimental

No comments:

Post a Comment