ANG BATAS RIZAL
Noong hunyo 12,1956 ay pinagtibay ang BATAS NG REPUBLIKA BLG. 1425 na kinilala sa tawag na BATAS RIZAL. Ito ay ipinatupad ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon noong AGOSTO 16,1956, ayon sa pagkalathala sa Official Gazette.
Ang batas na nabanggit ay nagsasaad ng pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang publiko at pribado ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang mga nobelang NOLI ME TANGERE & EL FILIBUSTERISMO.
Hinahangad din ng mga Pilipino sa mga simulain ng kalayaan at nasyonalismo na naging dahilan ng kamatayan ng ating bayani. Ayon sa SALIGANG BATAS NG PILIPINO, dapat na maging layunin ng lahat ng paaralan ang paglinang ng kagandahang asal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at pagtuturo ng tungkulin ng pagkamamamayan.
No comments:
Post a Comment